Thursday, October 06, 2005

Aja!


Napadaan lang...

Finals week na! Hahahaha... at syempre, ang susunod ay sembreak! *grins* Maraming subjects na dapat aralin, papers na dapat gawin, at nonstop ng globe na dapat sulitin! ^-^ Sana sembreak na, para pde na gumala (hmm.. wala palang pera pag bakasyon. tsk!) at tumambay kung saan saan.

Oh, Go Blue Team! Go Yellow Team! Go White Team! Go Black Team! hmm.. sige na nga... Go Green Team! Arcade tayo ulit sa bakasyon! Kelangang bumawi ng iba... lalo na ng mga guys sa basketball... hahaha! peace!


Eto nga pala ang pictures from our recent get-together. Aba, may improvement yan noh! Nde kme anim lang.. umabot naman kami sa sampu (eleven pala dahil humabol pa si team leader.. hehehe)! Hahaha! *grins* Guys! Next time ulit ha!

para sa kabuuang kwento, check our blog... hahaha... ^-^

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com click on image for larger version

Tuesday, September 13, 2005

picture! picture!


hmm... effective naman pala ang paggamit ng photobucket eh. Yan ang cwts friends! Second lang kame sa land navigation ng wednesday na 'yan dahil nag - 'picture! picture!' pa kme. Inuuna ang adventure-- tumulay ng pipe, tumawid sa kung anong canal. tsk!-- kya nde kme ang unang group na nakatapos.. Anyway, nag-enjoy naman lahat! *grins*

Image hosted by Photobucket.com

friends.. finally


Well, I now have a group people I can call my *friends*. Didn't think that I'd have any (specially a group) in my entire college life. Maybe a few, but not a group. Yup... that was the reason why I always whined about having a monotonous life.

But now, people from my cwts class often meet just to catch up with everyone. Halos araw-araw na nga eh. Pero masaya, dahil laging may nangyayari. Kahit naglaro lang kayo buong araw, nagkwentuhan pagkatapos... may nangyari pa rin. Dahil pagkatapos ng araw na yun, masaya ka dahil nagkasama ang grupo. Laging may nangyayari. Hindi na monotonous ang buhay *grins*.

At syempre, ngayon madalas na magpasaway ang mga tao! Magkikita-kita kahit na konti lang ang oras na meron. Basta makapag-kwentuhan lang... Masaya na.


*At ang grupong ito rin ang dahilan kung bakit may blog na rin si Gia!

Hahaha... *grins*

Saturday, September 10, 2005

birthday ni team leader!


Tinatamad pa akong gumawa ng sariling version ko ng camping trip. Tama si Myk, masyadong mahaba kung ikukwento mo... pero isusulat ko rin siya, someday. Hindi lang ngayon dahil tinatamad ako. ^-^

Ayan! Birthday ni *kuya* Jik ngayon! Dapat pala sumama ka sa amin, Fao. Konti lang kse ung nakasama knina from our cwts class. Anyway, nagpunta kami ng Megamall after ng ES 1 exam. Buti na lang, dahil ayaw ko na rin isipin ang exam. Yung tipong pagkatapos mong ipasa ang papel eh bahala na lang. Kahit pinilit mong magaral last night e parang walang nangyari. Hmmm... (-_-)

Anyways, kumain kami sa pizza hut. At ang all time favorite nilang nagse-serve ay si kuya DANTE! Hahaha... may 1x1 picture pa nga siya sa table namin eh! Nakakailang kumain kapag nakaharap sa'yo ung pix. Para kasing nakatingin sau si kuya Dante *grins*. At syempre, hindi nawala ang mga paranig ng guys tungkol sa issue na sila lang ang nakakaalam... Jepoi! Hanggang ngayon wala akong idea! Clueless! Pano, mga ayaw magkwento. Hindi pa kayang daanin sa context clues. At kahit anong pilit, ayaw nilang magsalita. Bakit kaya? Hmmm...

Moving on... Nag-arcade kami after. May planong magpa-studio kaya lang hindi na natuloy. Pano, two hours ang kelangang hintayin. At kelangang umuwi ni Gia ng maaga! (next time na lang! *grins*) Bumili kami ng mahigit Php 300.00 worth of tokens. Sabi pa nung iba hindi namin kayang ubusin at masyadong marami... in the end, kulang pa pala. Hahaha... nag-enjoy kami ni Gia sa basketball. Hindi na kelangang tanungin si Dhen dahil mukhang kinareer ang pag-shoot ng bola. Dinaig pa nga sa points ung guys eh. (Nga pala... 6 lang kami! Si Jik, Dan, Myk, Gia, Dhen, at ako. Kamusta naman kme? ^-^) Sumunod naman na tinarget ng grupo ang pagkolekta ng tickets. Kaya lang, dahil sa kapos sa time at wala na ring mga tokens, wala pang 100 ang nakuha namen. Pero marami naman kameng Frutos candy, kaya okay lang.

Nang pauwe na si Gia, tsaka lang naisip ng mga tao na may skating rink pala sa Megamall at gusto nilang mag-skate. Tsk! sayang... at dahil nagpasaway ang iba at gusto na talagang umuwi, sige next time na lang (ikaw un dhen! dapat kse nde ka muna umuwe eh!).

At sa train station, nakita ko ang kas2 classmate na si Viv! Wala lang, nabanggit ko lang. Kasama ko si Gia, dahil babalik siyang SM North, at si Myk, dahil siya ang kasabay ko pauwe (kelangan ko ng kasama pauwe dahil hindi ko alam pano pupuntang sakayan o.O). Yung tatlo, dun sa opposite direction ang daan. At syempre, ito na naman ang issue na hindi pa rin alam ng mga girls. Hay naku! Kung ang girls ay may sariling usapan kapag magkakasama (that's according to one of you) aba! Kayo rin noh! May sariling mundo!

Pagdating naman namin ni Myk sa Cubao, hindi namin agad nakita ang sakayan ng SSS. Buti na lang at hindi umulan ng malakas. Light rain pa lang... ^-^

Inaantok na ako pagsakay ko. Hindi naman ako makatulog dahil hindi pwede. Dun ko naisip na 'pag pagod ka at magco-commute pauwe, maganda ang may kasama. Para pde ka matulog! Geli naisip kita nun! May sandalan ako sa sasakyan pag kasama ka! Wahahah! ^-^

At nakauwi naman ako ng buhay. Wala naman sumigaw sa sasakyan ng 'Hold-up to!'. ^-^

**Myk, next time na lang ung yahoo!groups. gagawan pa kase naten ng mail account un eh.

Friday, September 02, 2005

on the eve of the camping trip...



CWTS camping’s tomorrow! Everyone’s excited! *^-^* Most of us are going to join tomorrow’s trip, though some will be going next week. Sad, but at least we’ll all experience the camp… though on separate dates (-_-).

The joy of spending roughly two days in the open, with almost absolutely no technology available, away from civilization, and with no parents around... masaya yun sigurado! Albeit the many things I’d have to bring for the trip, the fun of camping overcomes the worry.

Yay! We’ll do rapelling, take up some swimming lessons, and sleep in tents! Yup, it’s all on us. No food provided, no bedrooms, not even the cooking utensils! But we’re allowed to bring some stuff, like a gas stove and other things, so the idea of living like the survivors will definitely not happen. Pero ang cool kung ganun noh? Parang caveman ka and then instead of eating on plates and using spoon and fork, gagamit kayo ng banana leaf and your own hands. Hmm… mahirap din pala yun. *grins* .

Ayan, mamimili na lang muna ako ng mga gamit at pagkain. Buti na lang at nakahanap kami ng gas stove, kundi mauuwi kame sa pag-iihaw lang… although maganda rin un… kaya lang wala kaming kanin pag nagkataon.

Hmmm… Yay! Yay!


*… (-_-) maaga nga lang ang call time… sigh…


Monday, July 25, 2005

the fallen angel

I hate my life. I dunno why... Well, maybe I do but i'm not exactly sure why... But I just hate my life.

I want to be an angel. I want to have wings like the angels. I like the idea of dressing in white from head to toe. But I like black better than white.

A black angel. The black angel. The fallen angel.

Saturday, July 16, 2005

after ten years...


Finally.

Ayan people... I've posted na rin at last. I finally had the time to write. Sigh... pero bakit parang wala naman akong masulat? Feeling ko, khet na gusto kong maalala forever lahat ng nangyayari saken, there's no need to write them anymore. Pano, everything's the same. Nothing's changed. I'd have to admit I'm living a very dull and monotonous life. May magagawa ba ko? E sadyang ganito ako ginawa ng Diyos. Sigh...

Updates... updates... updates...

Gaya ng sabe ko wala namang nagbago. Pero since people insist that I update this blog... (siguro dapat akong maging thankful dahel may mga taong nakapagtiya-tiyaga saken... hmmm *grins*) sige na nga.

Ayoko na mag-aral. Napapagod na ko. Parati na lang mas malakas ang pwersa ng katamaran kesa kasipagan. Kahit na sabihin ko sa sarili ko na dapat ng mag-aral, at kahit na gustuhin ko, mas pinipili ko pa rin ang magpahinga muna at magmuni-muni. Although okay naman ang standing ko sa ngayon, naku! Simula pa lang ng klase, hindi ngayon ang panahon na dapat e sobrang relaxed ang mga tao, lalo na si KAREN.

Inaantok na ko. Sigh...(-_-)

Sunday, May 01, 2005

insomnia plus one


hay. ang hirap matulog ng hindi nakakatulog kaagad. khet nasa bahay ako, ganito... pero ung worst case e last week. halos 3 hours kung pinilit patulugin ang sarili ko pero walang nangyari. hindi naman ako mahirap patulugin. khet saan okay lang... pero na-realize ko nun na tama pala ung sinasabi ni meg.

nun kala joke time lang ung mami-miss mo ung kama mo. ngayon napatunayan ko... totoo pala. nde ako makatulog dhel hindi ko kama ung tinutulugan ko ngayon. isa pa, may katabi ako tuwing matutulog. at sanay akong ako lang mag-isa sa kama.

hmm... baka nde ung kama ang problema.. baka space lang. haha... siguro nga. mahirap ang may katabi sa kama. hindi mo ma-stretch ung mga kamay mo 'pag natutulog dhel may tatamaan ka.

sigh... ang liit-liit na probema pinagtutuunan pa ng pansin. tsk.tsk.