birthday ni team leader!
Tinatamad pa akong gumawa ng sariling version ko ng camping trip. Tama si Myk, masyadong mahaba kung ikukwento mo... pero isusulat ko rin siya, someday. Hindi lang ngayon dahil tinatamad ako. ^-^
Ayan! Birthday ni *kuya* Jik ngayon! Dapat pala sumama ka sa amin, Fao. Konti lang kse ung nakasama knina from our cwts class. Anyway, nagpunta kami ng Megamall after ng ES 1 exam. Buti na lang, dahil ayaw ko na rin isipin ang exam. Yung tipong pagkatapos mong ipasa ang papel eh bahala na lang. Kahit pinilit mong magaral last night e parang walang nangyari. Hmmm... (-_-)
Anyways, kumain kami sa pizza hut. At ang all time favorite nilang nagse-serve ay si kuya DANTE! Hahaha... may 1x1 picture pa nga siya sa table namin eh! Nakakailang kumain kapag nakaharap sa'yo ung pix. Para kasing nakatingin sau si kuya Dante *grins*. At syempre, hindi nawala ang mga paranig ng guys tungkol sa issue na sila lang ang nakakaalam... Jepoi! Hanggang ngayon wala akong idea! Clueless! Pano, mga ayaw magkwento. Hindi pa kayang daanin sa context clues. At kahit anong pilit, ayaw nilang magsalita. Bakit kaya? Hmmm...
Moving on... Nag-arcade kami after. May planong magpa-studio kaya lang hindi na natuloy. Pano, two hours ang kelangang hintayin. At kelangang umuwi ni Gia ng maaga! (next time na lang! *grins*) Bumili kami ng mahigit Php 300.00 worth of tokens. Sabi pa nung iba hindi namin kayang ubusin at masyadong marami... in the end, kulang pa pala. Hahaha... nag-enjoy kami ni Gia sa basketball. Hindi na kelangang tanungin si Dhen dahil mukhang kinareer ang pag-shoot ng bola. Dinaig pa nga sa points ung guys eh. (Nga pala... 6 lang kami! Si Jik, Dan, Myk, Gia, Dhen, at ako. Kamusta naman kme? ^-^) Sumunod naman na tinarget ng grupo ang pagkolekta ng tickets. Kaya lang, dahil sa kapos sa time at wala na ring mga tokens, wala pang 100 ang nakuha namen. Pero marami naman kameng Frutos candy, kaya okay lang.
Nang pauwe na si Gia, tsaka lang naisip ng mga tao na may skating rink pala sa Megamall at gusto nilang mag-skate. Tsk! sayang... at dahil nagpasaway ang iba at gusto na talagang umuwi, sige next time na lang (ikaw un dhen! dapat kse nde ka muna umuwe eh!).
At sa train station, nakita ko ang kas2 classmate na si Viv! Wala lang, nabanggit ko lang. Kasama ko si Gia, dahil babalik siyang SM North, at si Myk, dahil siya ang kasabay ko pauwe (kelangan ko ng kasama pauwe dahil hindi ko alam pano pupuntang sakayan o.O). Yung tatlo, dun sa opposite direction ang daan. At syempre, ito na naman ang issue na hindi pa rin alam ng mga girls. Hay naku! Kung ang girls ay may sariling usapan kapag magkakasama (that's according to one of you) aba! Kayo rin noh! May sariling mundo!
Pagdating naman namin ni Myk sa Cubao, hindi namin agad nakita ang sakayan ng SSS. Buti na lang at hindi umulan ng malakas. Light rain pa lang... ^-^
Inaantok na ako pagsakay ko. Hindi naman ako makatulog dahil hindi pwede. Dun ko naisip na 'pag pagod ka at magco-commute pauwe, maganda ang may kasama. Para pde ka matulog! Geli naisip kita nun! May sandalan ako sa sasakyan pag kasama ka! Wahahah! ^-^
At nakauwi naman ako ng buhay. Wala naman sumigaw sa sasakyan ng 'Hold-up to!'. ^-^
**Myk, next time na lang ung yahoo!groups. gagawan pa kase naten ng mail account un eh.

1 Comments:
ang saya pala ng birthday ni farts. at ngeon ko lang na-realize kung gano pala ako ka-loser sa chem16... isispin mo mga chem friends ko magkakaclasmates pa din tas ako? oh wel... wala lang maisip isulat... at karen, aba, at least alam mo na kung ganu kahirap mag-commute... lalo pa yan kung papunta at pauwe ang commute... pero siguro mas taxing lang seo kasi edsa yun o... kahit nga ako nung pumunta kaming north triangle para sa rummage sale, lost...
Post a Comment
<< Home