siguro nga...
ayan! at last! someone grabbed something and hit my head, straight up! yay...
hay...
ilang beses ko na ba sinabi sa sarili ko na hindi talaga ako matalino? ilang beses ko ba sinabi sa mga tao sa paligid na sabit lang ako sa mga nagsipagtapos na may honors? minsan tinatanong ko rin ang sarili ko kung tama bang naka-graduate ako ng... un... ganun...
sabi ni meg...
ang pagiging failure mo sa math at ang pagbago ng course mo ay senyales na ang identidad na kinasanayan at kinalakihan mo ay isang malaking kasinungalingan. hindi kaya't ito ang dahilan--ang puno't dulo ng lahat? nahihirapan kang tanggapin ang posibilidad na kasinungalingan lamang ang kinasanayan mong ikaw? na sa kabila ng lahat, hindi kapala ganun kagaling, hindi ka pala matalino sa math?
pagkatapos ng ilang linggo sa math 17, napatunayan ko na ang mga huling statement sa mga sinabi ni meg. siguro talagang mas mahirap tanggapin kung mas pinamumukha nga sayo ng mga tao ang totoo. pero i don't have anyone to blame but myself diba? bakit nga ba ako pumapasok ng hindi man lang nag-aaral gayung alam ko na kapag hindi ako nag-aral ay wala talaga akong maisasagot? hindi likas sa ken ang makaintindi at makaalala ng mga bagay bagay. bakit nga ba hinayaan kong umiral ang katamaran? siguro dhel akala parang highschool, madaling maintindihan lalo na kung nasanay kang itinuturo ng teacher mo ang lahat... at ang kailangan mo na lang gawen ay basahin ang notes mo. pero hindi eh, nakalimutan kong nasa college na ako...
hindi ko naman pdeng sabihin na fate ko talaga ang bumagsak? it was not, and maybe will never be, my fate to fail... it'll always be my choice. at ang kurso ko ngayon... one thing i have in common with my family... pero sinubukan kong ibahin un... pinaniwala ko ang sarili ko na may gusto akong gawing iba... namely ang pagiging piloto... at saan ako napunta ngayon? sa civil engineering na pilit kong tinakasan dati. nung una akala ko, dhel ayaw lang ng tatay ko na maging piloto ako kaya ako napunta sa UP, dhel alam kong ayaw niya na BS Math ang kurso ko sa Ateneo, at siguro dhel alam ko rin gusto talaga niya akong pag-aralin sa UP.
pero sinabi pa rin niya sa ken na kung ano ang gusto ko, un ang gawin ko. at yun nga, dhel ayaw kong ang maging isang engineer, nag-enrol ako sa UA&P bilang isang management student. pero ng ginawa ko un... akala ko masaya na ko dahil natapos na... may mag-iiba na... pero there was something inside that was telling me i did something wrong. parang natatakot ako na dumating ang deadline ng confirmation ng lahat ng school's na nag-apply ako. naalala ko tuloy nung namimili si barbie ng course nia, nag-ini-mini pa kme nun. natawa ako sa kanya dhel iniisip ko kung bakit hindi niya alam ang gusto niya. nasabi rin niya na pag napili niya ang nursing, gusto niyan CTM na lang sana ang napili. alam mo un... khet na may pagpipilian ka... khet na tanungin mo ang mga tao kung alin ang dapat, nagwi-wish ka parin na sana ang isagot nila ay ung gusto mo para lang ma-boost ang confidence mo na hindi ka nagkamali sa pagpili.
alam ko magulo, well nde ako nabiyayaan ng galing sa pag-eexplain eh. to make things short... ngayon alam ko na ang gusto ko... habang tumatagal... un... lalo na kapag napapanood ko ang extreme engineering! aba, naiisip ko sana kahit isa man lang sa mga projects dun ay magawa ko...
ehe... un ay kung magagawa kong makatapos ng maaga. pero gaya nga ng sabi ni pa,
what's there to hold you back kung gusto mo talaga ung ginagawa mo... sige lang... kya yan.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home