Monday, April 11, 2005

aysh!


ung jet lag.. wala lang un... nde naman masyadong malayo ang na-travel ko, plus nde rin high-speed. siguro ganito ang may jet lag talaga. tulog pag umaga gising pag gabi. at kahit gustuhin mong matulog... ayaw ng katawan mo. kahit buong gabi ka pumikit dyan at tahimik na mahiga sa kama mo... nde ka pa rin makatulog. bakit kamo? dahil atrasado na ang orasan ng katawan mo. iba na ang oras niya sa paggising at pagtulog. dagdagan pa ng katamaran. pag inatake ka ng sakit mong 'to.. wala ka ng magagawa. sa buong araw mong iyon, dahil sobra sa tanghali ang gising mo, wala ka ng mata-trabaho. wala kang mauumpisahan dahil lahat ng tao sa paligid mo ay patapos na. ano pang silbi ng magsimula?

hay... kakagising ko lang kaninang alas-sinko ng hapon... pero pagkataposng anim na oras, inaantok na naman ako. bukas, paggising ko... dapat may magbago na sa daily routine ko. aba, may mga plano ako ngayong bakasyon at hindi lahat ng oras ko ay dapat na puro pagpapahinga. bumabawi lang siguro ung katawan ko sa stress ng school noong nakaraang sem. hah! pero lagi rin naman ako puyat ngayon, yun nga lang... mas mahaba ang tulog ko.



1 Comments:

Blogger *^_^* said...

ayen, pasencia na at gagawin kong e-mail ang blog mo. hindi ko kasi alam how to get in touch with you... wala pa akong maayos na subjects sa crs at malapit na ang deadline, ndi na ba tau magiging classmates next sem? ha. ewan? depende sa mercy ng ndi ko na ka-m.u. sa crs? mei balak ka bang i-suggest na subjects or anything? haiii... wala pa akong subject... eniwei anu ulit ang classcode ng pe mo? baka kunin ko na din un...

9:25 PM  

Post a Comment

<< Home