Wednesday, March 23, 2005

rest day


Tama! Wala akong ginawa ngayong araw na 'to. Nagplano man ako ng mga bagay na dapat kong gawin, hindi pa rin natuloy. Paggising ko kanina, sabi ko, after one hour start na ko magbasa. Pero ano?! Wala! nakinood lang ako sa kapatid atmga pinsan ko. Check ng mail, cellphone, kain. Waah! Pano ko matatapos lahat ng dapat gawin. Argh! Hmm... Come to think of it, siguro naman tama lang na I took a one day break muna before sumabak sa pag-revise at pagre-review. Hay, trying to convince myself that wasting the day was worth it. Tsk. Okay lang... kaya ko 'to. At dahil wala akong ginawa ngayon, dapat bukas meron na. Dapat hindi muna magpa-impluwensya sa kahit na anong uri ng media! Ahh, isa lang pala un. Dapat walang TV. Internet para lang sa research. Hay. Siguro hindi na ko dapat gumawa ng gumawa ng plano. Everytime I have one, nothing happens. Walang natutuloy, kahit isa! Sheesh! Dapat pagkagising bukas hindi ko mahawakan ang remote ng TV. Hindi ako dapat maupo sa tabi ng kahit sino at makinood. Bubuksan ko na lang yung radio, then, maupo sa desk at magsimula na. Yun lang. Yun lang dapat ang nakaplano. Kung ano ang dapat aralin at pano dumiskarte sa pag-aaral... Tsaka na. 'Pag na-set ko na sa study mode ang sarili ko, siguro aayos na ang lahat. Siguro, gaganahan na ko gumawa ng schoolwork. Bahala na. Pero hindi pwede na parating bahala na eh. I'm aiming at a particular grade. Might as well work hard for it at sagarin na to the highest level di ba? Yan, dapat ganyan ako bukas. Grades ang iniisip at hindi, Ah may bukas pa... kaya ko yun tapusin bukas.

Bukas. Bukas magsisimula na talaga ako. Sana makapagsimula na ko mag-aral.

Well, let's just wait and see.



0 Comments:

Post a Comment

<< Home