Sunday, March 27, 2005

down the right path...


Naku, kakarevise ko lang ulit ng english paper ko.. at syempre.. I haven't started reviewing my Math. Tsk. Well, meg said my paper was better this time. Pero, not enough for a Dos. Hay... i'm sure tres ulit yan paper na yan... asar... ang hirap gumawa ng paper sa prof na un... pero... i like him.. honestly... kamukha niya si boy abunda! at intelligent pa! *grins*

Anyways, napag-usapan nmn ni meg ang grade. Nasabi rin niya na baka hindi daw pala ako for eng'g.. tinanong nia kung gusto ko ba talaga...

Ano nga ba?

Noong simula pa lang, alam ko na na hindi na ko pwedeng mag-shift ng ibang course. Ayaw ni papa... me magagawa pa ba ko dun? Pero syempre, alam ko na kaya ng powers ko ang pilitin sila, in the future, kung gugustuhin kong mag-shift. Pero... aysh! Puro pero ah... Sabi ko kay meg, kelangan ko makatapos... este gusto pala, gusto ko makatapos sa kursong ito. Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro dahil marami sa amin ang eng'g at isa akong failure kung hindi ko magawa iyon... ahh hindi, ayoko lang sabihin nila na hindi ko kinaya ang engineering. Isa pa, gusto ko magawa ang nagawa ng papa ko...

Bakit ganun? Date, ako 'tong against sa pag-engineering.. civil eng'g to be precise... ayaw ko talaga dahel lahat na nga sila ganun... eng'g pa den pero aeronautical... pero, eto.. nasan ako ngayon.. nandito, gustong tapusin ang dating ayaw ko. Khet san ko tignan, hindi ko makita ang sarili ko na iba ang trabaho maliban sa pagiging isang engineer.

Tama si meg, ano ba ang nakain ko ang nagse-senti mode ako ngaun? Madalas na ganyan... kya nga ayoko ng tumatahimik at naiiwan para makapag-isip-isip. Hindi ko naman dapat pino-problema 'to d ba? Eng'g student na ko... UP dil pa.. ang dapat ko na lang isipin ay pumasa. Pero... eto na nmn eh... may apat na taon pa ko... kaya ko ba talaga? Hindi kaya dumating ung time na maisip ko na hindi ako para dito? Pano kung fifth year na, tpos ayoko pala.. hala...

Ngayon alam ko na ang feeling ng itinatanong sa sarili mo kung bakit ka nasa kursong iyan... at syempre humanap ng sagot. Mahirap, khet ako hnde pa rin cgurado kung bakit...

Sa ngayon siguro, gusto ko i-challenge ang sarili ko na tapusin ang sinimulan ko. Ahh... tama. Siguro, yun na lang muna.

Sige, mag-aral ka ! Senti-senti... tinatamad ka lang magbasa ng libro at notes eh!



2 Comments:

Blogger gelyace said...

"Siguro dahil marami sa amin ang eng'g at isa akong failure kung hindi ko magawa iyon... ahh hindi, ayoko lang sabihin nila na hindi ko kinaya ang engineering."

ang drama ah!!! khet na magshift ka ng course, hndi naman ibig sabihin nun e failure ka na kagad as an eng'g student... malay mo, gaya nga ng sabi ni meg, hindi ka para dun... tsaka ang hirap nyang ni-prepressure mo ung sarili mo para lng mapantayan ang ibang tao o kaya naman para hindi ka masabihan na hindi mo kaya...


ps: opinyon ko lng to ha :P Ikaw pa rin naman nakakaalam kung gusto mo ba talagang maging engineer o natatakot ka lng mahusgahan...

9:29 PM  
Blogger *^_^* said...

hay naku ka talaga. pwede ko bang sabihin na gusto ko na rin mag-shift. pero dahil hindi ko alam kung saan pupunta, wag na lang... feeling ko kasi ito ay the-grass-is-greener-on-the-other-side-of-the-fence syndrome. lahat ng tao ganto mag-isip. parang ako. pagdating mo dun, ganto rin ang sasabihin mo at sasabihin mo pa na parang maganda pa sa eng'g. regret un kaya wag na lang. o kung gusto mo pedeng isipin mo na lang na ganto nga ang iniisip mo para hindi mo na isipin, getz? hehehe!

11:17 PM  

Post a Comment

<< Home