Friday, April 01, 2005

i can't and i won't


Biruin mo yun! Nasabi ko na sa tatay ko na pde akong bumagsak sa math... at syempre nde sia masaya. Aba, sino bang matutuwa lalo na kung pareho kayo ng tatay mo ng kurso?! Hay, alam kong dapat nde ako nahihirapan sa math.. dapat sa lagay na to nadadalian pa ko.. inde kelangan ng masyadong effort lalo na kung finals or long exams dahel dapat naiintindihan ko. Dapat nag-aaral ako araw-araw para maintindihan ko. Pero gaya nga ng sabi ng tatay ko,

"Bakit hindi ka nag-aaral? Kung bumagsak ka sa math, mag-metroaid ka na lang." sabay tawa.

Alam ko, inde ako dapat mainis.. pero lalo ko lang gustong tapusin ang kurso at balang araw masabi na kinaya ko, dahil gusto ko talaga 'to. Sinabi rin ni Pa na mag-shift na raw ako kung babagsak rin lang ako sa Math. Bakit kamo? Dahil more on math ang kurso ko. Kung ngayon palang inde ko na kaya, pano pa kaya sa susunod? Sa third year, fourth year, at umabot pa kaya ako sa fifth year?

Sa ngayon, dhel ayaw ko talagang magpalit ng kurso, ito lang ang tumatakbo sa isip ko. Planuhin ko man ang mag-shift matapos ko makuha ang resulta ng math finals ko sa lunes, hindi maaari. Ano ang GWA na kailangan ng ibang kolehiyo para makapag-shift ako? Dos? 1.75? 2.25? Dahel meron akong ten units na mababa ang grade, hindi rin ako makakapag-shift. Hay... it's a good thing... pero may downside pa rin un noh! Ano ba, freshie pa lang ako pero pinoproblema ko na ang pananatili sa kolehiyo ko. Pano na?

Hay, sana nagwowork parati ang 'kaya mo yan', 'kaya mo yan'. Ewan ko. Hindi ko alam baket hindi ako makapag-aral ng matino ngayon. Para bang laging kulang sa oras. Hay... nde mo alam kung san mo isisingit ang pagkain, pagtulog, at pagpapahinga. Kapag naman un ang inuna mo, ang problema naman ay ang pagkasyahin ang natitirang mong oras at paghati-hatiin sa mga subjects na kelangan mo aralin. Nakakainis! Dati kaya kong gawin un, pero ngayon nde na. Ewan ko... bsta... ayaw ko ng bahala na.. pero wala naman ako magagawa di ba? Siguro, sa ngayon wala...



1 Comments:

Blogger *^_^* said...

wag mong mashadong dibdibin ano! hehehe... pasado ka na e. chem naman ang problemahin mo for a change. jox. anu ka ba? naaalala ko tuloy ang greatest irony of happiness: the only way to lose it is by searching for it. baka ganun din sa math. the only way to fail it is by taking it too seriously while in fact you can enjoy it. wag ma-stress. tapos na lahat ng exams e, panahon naman para mag-relax. wooohooo! swimming tayo!

5:26 PM  

Post a Comment

<< Home